Anak ka ng Hostess-2

October 13, 2008 at 5:47 am 15 comments

Ikalawang kabanata.

Oooyy, anak ka ng hostess at iniwan ng ama. Sino ba talaga ang tatay mo? Iyan ang madalas na marinig ko sa mga kalaro kong bata.Madalas ay nasasapok ko si Utoy na hari ng pintasero kahit matanda siya sa akin ng dalawang taon,pero mas malaki at malakas ako kesa sa kanya. “Lampa ka pala Utoy” ang madalas kung kantiyaw sa kanya kapag nasasaktan siya at humahagulgol ng iyak pati paa kumakaykay sa lupa.”Sumbong kita sa nanay ko” sabay uwi ng bahay ang kawawang lampa.

Mabait naman si Utoy na bunsong anak sa labing apat na naging supling nina Mang Karding at Teri. Malakas talaga ang hatak ng libog ni Mang Karding kahit na patpatin si aling Teri na kadalasan ay may subong tabakong kulay itim at nasa loob ng bunganga niya ang nakasindi at sabay dura naman ng nakakadiri kapag hugutin na niya ang sinisigarilyo.Kapag may padasal sa amin na anibersario ng pagkamatay ng tiyahin ko na nakababatang kapatid ni nanay lahat ng angkan nila ay pumupunta kulang na lang ang pusa dahil nakabuntot din ang maitim nilang asong kalye na galisin.Napakain daw ng mongo kaya ginalis ang sabi ni Corazon na sinundan ni Utoy.Naghihikahos sila sa buhay dahil nangangahoy lang sa bundok ang pinagkakakitaan ni Mang Karding kasama ang apat na anak niyang lalaki na hindi nakagraduate ng elementary.Kung kaya na siguro ni Utoy na umayat sa parang ng bundok baka isinaman na rin sa pangangahoy.Hindi pa kaya ni Utoy.Ang kamisita nga niya na halos dalawang lingo bago palitan ay puno ng pinatuyong uhog sa magkabilang balikat at niluluga pa ang taenga.Dumidistansya ako kapag lumalapit siya dahil nahihilo ako sa baho kahit bagong paligo pa siya sa ilog.Kaya madalas niya akong asarin na anak ng hostess dahil ayaw kong makipaglaro sa kanya.

Gusto kung makalaro si Baste,kaso pinagbabawalan siya ng kanyang ina na pupunta sa bahay namin dahil nakagalit ni lolo Pendoy ang tatay niyang mayabang.Sinita ni Lolo si Badong dahil nanunungkit siya ng bunga ng mangga ng hindi nagpapaalam.Pati alagang manok ni Lolo na nag tresspassing sa bakuran nila ay aangkinin na nila.Kapag nakaamoy na si Lolo ng ginigisang bawang nalulungkot at nagagalit na siya dahil hindi na babalik si bulik at kanaway.May hitsura si Baste mabuti na lang at hindi nakuha ang kapangitang hitsura ng ama na bukod sa saksakan ng itim ay makapal pang masyado ang labi.Gusto ko sanang makalaro si Baste dahil lagi siyang pinapalo ng kinayas na kawayan ni Badong.Hindi naman magawang ipagtangol ni Tasing dahil baka pati siya ay mapalo.Ayun sa kuwento ni Lola bakit ganoon na lang kung parusahan ni Badong si Baste,dahil ang pinangalingan niyang similya ay sa matandang binata sa karatig barrio na walang asawa.Binilhan daw ng bistida at tsinelas at kaunting kuarta kaya nalaglag ang panty ni Tasing at sinubuan ng saging na saba.Kitang-kita naman talaga ang ebendensya na may kaputian ang kulay ng balat ni Baste kahit hindi na gamitan ng Tide at clorox.

Itutuloy sa susunod na kabanata.

Entry filed under: Uncategorized. Tags: .

Anak ka ng Hostess Loss Weight and have a Good Sex

15 Comments Add your own

  • 1. Kutsara  |  October 13, 2008 at 3:09 pm

    May kasama bang pampagana na mas matindi sa Viagra ang kuwento mo Kimuchi? Sising-sisi ako sa sarili ko’t hindi ko pinagbigyan ang kahilingan mo. hahahaha!

    Reply
  • 2. chi  |  October 13, 2008 at 3:29 pm

    Utoy! Hahaha!!!

    Di ba iyan ay tiny kwan?! Hahaha!!!

    Reply
  • 3. Kimuchi  |  October 13, 2008 at 3:34 pm

    Kutsaring,
    Huwag kang mainip darating ang kuwento natin sa parting iyan.Mas malakas pa ang bomba na pasasabugin ko dito.Ginaya ko lang ang kuwento ni Cocoy na unti-unti niyang hinubaran si haponesa.Natutuwa nga ako sa kuwento nila ni kapitan kidlat at nilabasan ako ng todo.HIHIHIHIHIHIHIH>

    Reply
  • 4. Kimuchi  |  October 13, 2008 at 4:03 pm

    Ate Chi,
    Si Utoy mahilig makipaglaro sa akin ng mga paslit pa kami.Iyakin at hindi nagpapalit ng salawal.Mapanghi parati.HIHIHIHIH.

    Reply
  • 5. Cocoy's Delight  |  October 13, 2008 at 4:26 pm

    Kimuchi:
    Hindi ako guapo.Matamgkad lang ako at mahaba ang tungkod kaya ako habulin ng babae dahil maluwang ang pagbubukas ng kanilang bintana at malawak ang paningin.Ng dahil sa blog mo ay hindi na tuloy ako nakakasulat ng i post ko.Nawili na ako sa kababasa ng kuwento ng life story ng buhay mo.Hehehe.

    Pati si Chi ay nandito na rin.Hehehe!

    Reply
  • 6. JoeSeg  |  October 13, 2008 at 9:11 pm

    Kimuchi

    Hindi kay ang sub title ng kwentong it ay Anak ng Futa? Just asking.

    Dahil mahilig din tayong sumubaybay ng kwentong Pinoy at mga story telling a lie kung kaya may idea na ako kung ano ang susunod na kabanata na malaki ang papel ni Baste. Magkagayunman, subaybay pa rin natin dahil baka naiiba ito at siempre, tiyak na may halong elemento ng sorpresa at sex scenes na siyang magiging pampagana. Kung sa pelikula, sa titulo pa lamang (kung ipapasa ng MTRCB), mahihinuha mo nang rated x or mahigit pa kaya aabangan mo sa sinehan o di kaya, oras na lumabas na ang pirated dvd na unang mabibili sa bangketa sa may Raon at pagkatapos dun, naku naglipana na sa lahat na yatang lugar.

    Reply
  • 7. Segundina  |  October 14, 2008 at 1:11 am

    Kimuchi,
    For adults only itong mga kuwento natin dito. Dapat mayroon tayong warning, Bawal ang mga supot at hindi pa nereregla na magbasa ng mga nakakabasang babasahin dito, hehehe.

    Nagtataka at nagtatanong si Colegiala, bakit daw nawala ang aking pagka-conservative magmula nang nagbabasa ako ng nobela nina Manong Cocoy at Kap, hahaha.

    Tira lang nang tira kapatid ng mga kuwentong nakakatigas ng nanglalambot nang damdamin, at nagpapasigla kay manay na nagbabasa at nababasa dito, hehehe.

    Reply
  • 8. xxxkimuchixxx  |  October 14, 2008 at 4:40 am

    cocoy.type kita at pinagpapantasyahan kita gabi-gabi simula ng nabasa ko ang kuwento mo doon kay segundina,Ang pogi mo talaga at nakakaloka.Gusto ko magkuwento ka ng sexcapades mo sa english para maintindihan naman ng mga kasama ko dito sa trabaho.Iyun bang tipong lalabasan kami sa libog.HIHIHIHIHIHIHIH>

    Reply
  • 9. xxxkimuchixxx  |  October 14, 2008 at 4:42 am

    Joeseg
    Ganoon ang naisip kong umpisa na “anak ka ng puta” Kaya lang binago ko na lang ang title baka magalit sa akin si Tong.HIHIHIHIH

    Reply
  • 10. xxxkimuchixxx  |  October 14, 2008 at 4:46 am

    Seg!
    Kapag walang sex walang saysay ang life.Hayaan mo nagbabala naman ako sa mga supot at hindi pa neririgla na magkamaling magbasa.Doble na ang triple XXX sa header.Hindi ko na kasalanan kung mag-umpisa na silang magsilabasan.HIHIHIHIHIHI.

    Reply
  • 11. Colegiala girl  |  October 14, 2008 at 8:48 am

    Muling umibig si Banong, sa pangalawang pagkakataon ay langit ang kanyang inabot ngunit nasa putikan pa rin ang kanyang mga paa. Dito na ba mapuputol ang kanyang pagkalalaki?

    Idol ano ang nangyari sa dila mo? Ilang na namang tungkod ang tatayo niyan?

    Reply
  • 12. yhen  |  October 14, 2008 at 9:32 am

    rated x po ba ito? hehe! utoy… sounds like… churva ms kim… hehe

    Reply
  • 13. Segundina  |  October 14, 2008 at 11:48 am

    Mapalad pa si Banong at hindi siya nakatagpo ng katulad ni Angel na nahawa ng AIDS sa tatlong Nigerian na nakipagtalik sa kanya habang kinukunan siya ng Video.

    Reply
  • 14. Mer Pints  |  October 14, 2008 at 11:22 pm

    Sabi ni Banong, masyado ko daw binigyan kulay iyong bed scene nila ni Roselynn. Sabi ko naman, e kulang pa nga iyon. Wala pa doon iyong inareglo ni doc. nang nag-operation tuli siya last summer hehehehe. Sigi na makalayas muna bago ako pagalitan ni Banong. Good morning na lang idol.

    Reply
  • 15. secondlady  |  October 15, 2008 at 12:13 am

    Kim,
    Itong fan mo ay ibinida tayo kay barrycyrus. We can “titi-llate” his mind daw, (sorry for the spelling, it should be tittillate) hehehehe. Pero siya naman daw ay “sensually copulative” mag-isip, hahaha. Bumabati lang para sa lahat.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Pages

October 2008
M T W T F S S
     
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Blog Stats

  • 5,649 hits

Recent Posts

Archives

Feeds

Top Talkers

  • None

%d bloggers like this: