Anak ka ng Hostess

October 12, 2008 at 3:18 am 23 comments

Simula pa ng pagkabata ay bantog na sa aming munting barrio na si Kimuchi ay isang anak ng hostess at hanggang duungan lang daw ng barko sa may US Naval Base ang naabot ng tingin ng aking mahal na ina ng umalis ang aking ama na tuluyan ng hindi bumalik ng nag “Sayonara”

Hindi lang si Rose na star ng mananayaw ang nalumbay sa pag “Good Bye my Love” ng  very big and very long na barko ng US Navy ng Hapon. Isa, dalawa,tatlo, apat, hanggang sa umabot na sila  ng  libo ang Rosang may  tangan ng panyo na iniwawagay sa kanilang mga palsong irog na ng “Adios my Love, I’ll wait for you in America” Hmmmppp,Tsup! Tsup! Tsup!… Hangang sa tuluyan ng naglaho ang mga barko na sinakyan ng aking amang matangos ang ilong. Nag-iiyakan na rin ang mga pinabrika nilang mga bata sa pier ng Gapo at nagtatanong sa musmos nilang isipan, “Daddy, when are you coming back?”Mga iba ay natutuwa lalo na iyung mga naubuso nila. “GI don’t come back” Just send us dollars. Haaay buhay parang life talaga.

Hindi dinibdib ni Rose ang pagkawala ng aking ama kahit na batid kong nasaktan ang damdamin niya at nag-iwan pa ng pabigat na padededehin.Mabuti na lang at ako lang mag-isa, di tulad ng Ninang ko na lahat yata ng klaseng lahi ay nagpa-breeding.

Those old good days are over at nagpasiya si Rose na magbalikbayan sa probinsya, habang ako naman ay kanyang bibnibreastfeed sa sinasakyan ng Victory Liner at binubusuhan ng conductor at katabi niyang pasahero sa upuan.Kahit lumuwa pa ang kanilang mata na naka laser sa suso ni nanay ay bale wala na sa kanya,sana’y na yata siya at iyun ang pinagpipistahan ng mga manyakis sa club. Hindi na nila kailangan bumili ng ladies drinks para nakawan ng sulyap ang dating masigla at tayong suso niya na magsisimula ng lumaylay sa kadedede ko.Nagtitipid ang nanay ko, Ano ba kayo? Wala na siyang kikitaing dolyar pambili ng Similac formula. Pagdating namin sa probinsya hindi na gaanong masasaid ang dibdib ni nanay at manunumbalik sa dating susong dalaga.May dalawang baka at isang kalabaw si lola kahit isang galon na fresh milk pa ang sususuhin ko.

Tuwang-tuwa si Lola Ensiang ng una  niya akong makita napakagandang “baby doll” daw na gumagalaw at humihinga, di tulad ng manika ni Nana Mitang na tinutusok niyang emberdible at karayom na ikinagagalit naman ni albularyong Isko kapag ayaw na niyang tusukin,wala na siyang tatapalan ng dahon ng banaba. Nagpaturo pa siya sa inaanak niya sa binyag na maestra ng english para ako’y kanyang ihili at ayaw padapuan sa langaw at lamok.Pati sa lolo kong hikain ay ayaw niya akong ipakarga at ipahalikan magagasgas raw ng kanyang balbas ang aking kutis. Ang dating matamis na pagmamahalan nila na niluma ng panahon kahit na minsan hindi sila nag-away at nagkasagutan,ng ako ang dumating madalas na silang nagtatalo at ako ang kanilang pinag-aagawan.Kahit na malayo sa bahay kubo namin ang inaararong bukid ni Lolo Pendoy ay bumbalik siya kapag narinig na niya akong umiyak at iuugay-ugay sa ginawa niyang rattan na duyan.

Nagkaroon na ng panahon si nanay at bumalik na ang dating lantak niya na Rosa sa kanyang hilig sa pananahi ng uniforme ng mga nag-aaral sa high school, mga suki niyang nagpapatahi ng mga bestida,pang kasal at pati na rin susuutin ng patay na may kaya.Kumuha kasi siya ng dressmaking sa Guzman Institute at mayroon siyang diploma na nakalaminate na nakasabit naman sa sawali ng maliit na sala at kapag umuupo ang mga bisita sa bangkong kawayan sa diploma ni Rosa sila nakatingin.Iyung ang tanging ipinagmamalaki niya na mayroon siyang natapos.Ng dahil sa kursong iyun ay magaang ang pamumuhay namin.Pinatigil  ni nanay si Lolo Pendoy sa pag-aararo at kasya na namin pang gastos sa araw-araw ang kinikita  sa pananahi ng trahe de boda ng nobya. Halos lahat ng ikakasal sa simbahan siya ang nananahi.Minsan nasilip ko si nanay na umiiyak habang isinusukat niya ang pinakamagandang obra niyang trahe.Sa tuwing siya ay nalulungkot ganoon lagi ang kanyang ginagawa na nagpapasaya sa kanya. Naitanong ko tuloy kay lola ng mga limang taon na ako kung nasisiraan na ba ng bait ang aking mahal na ina.

Itutuloy

About these ads

Entry filed under: Uncategorized. Tags: .

Ako si Kimuchi Anak ka ng Hostess-2

23 Comments Add your own

  • 1. Kutsara  |  October 12, 2008 at 3:59 am

    Nakakaiyak naman pala ang kuwento ng buhay mo Kimuchi.Aabangan ko itong kuwento mo.Natitiyak ko na may sex na kuwentong kasunod.Hahahaha!

    Reply
  • 2. Jonell  |  October 12, 2008 at 7:01 am

    Muntik na ‘kong maiyak. Ganon pala nangyari sa’yo. Looking forward akong mas makilala ka pa through your post. Excited na ko sa next posts mo.

    Reply
  • 3. Banong  |  October 12, 2008 at 3:18 pm

    Pareho tayo ng kapalaran, anak ka ng hostess, anak din ako ng dating hostess na binago ng pagmamahal ng aking itay ang kanyang madilim na nakaraan. We deserve each other Kimuchi. As a friend of course.

    Pero bago pa ako umiyak, gusto kong batiin muna ang aking bossing na si Kapitan Kidlat at ang kanyang butihing maybahay na si ma’am Tisya. October 13 noong ikinasal sila many years ago. Kasama na nila si Byuti na 3 months old pa lang sa loob ng tiyan noong lumuhod at humarap sila sa altar. Congratulations boss, mahal ka namin. From the research and development staff of the Kidlatan Village.

    Reply
  • 4. doc.bobonyo  |  October 12, 2008 at 4:16 pm

    Kimuchi,
    Deep inside you is a good person, kaya kasama ka sa aking mga panalangin. Congratulations sa maganda mong blog.

    Reply
  • 5. xxxkimuchixxx  |  October 12, 2008 at 7:49 pm

    Jonell
    Ganyang talaga ang buhay.Life must go on ika’ nga.Maydahilan siguro ang nanay ko kaya siya napasok sa ganoong trabaho.HIHIHIHIHIHIHIH!

    Reply
  • 6. xxxkimuchixxx  |  October 12, 2008 at 7:50 pm

    OO nga Banong pareho siguro tayo ng Capalaran.HIHIHIHIHIH!

    Reply
  • 7. xxxkimuchixxx  |  October 12, 2008 at 7:51 pm

    Doc.bobonyo
    Ayy Salamat Doc at lagi mo akong nauunawaan.Mahaba siguro ang sa iyo.–Pasensya mo.—HIHIHIHIHIHIH!

    Reply
  • 8. Jonell  |  October 12, 2008 at 8:49 pm

    Isang magandang umaga sa’yo.

    Reply
  • 9. xxxkimuchixxx  |  October 12, 2008 at 8:53 pm

    Magandang umaga din sa iyo Jonell.Mabuti at napasyal ka.

    Reply
  • 10. Jonell  |  October 12, 2008 at 8:55 pm

    Siyempre naman papasyal ako.
    Baka lang may bago mabasa.
    Pahanda na rin ako sa pagpasok.
    Mag-a-alas singko na dito e.

    Reply
  • 11. Kimuchi  |  October 12, 2008 at 9:03 pm

    Kumukuha pa ako ng buelo bago ko ituloy ang aking kuwento.

    Reply
  • 12. Jonell  |  October 12, 2008 at 9:10 pm

    Buwelo lang.
    Andami mo ngang viewership e. Nakakaaliw. :p

    Reply
  • 13. JoeSeg  |  October 13, 2008 at 12:49 am

    Kimuchi

    Hindi kaya ang ermat mong si Rose, si Rosa ay si Rosanna Roces? Parang labanos na kutis kasi at kung pipigurahan ko ang nakalitaw na kalahati mong face, kahawig ni Osang marahil noong hindi pa napapadpad bilang GRO sa isang girlie club sa Quezon City. Ang tawag yata dun ay Pegasus. Aywan ko, hindi pa ako nakakarating dun ng maraming beses.

    Anyways, isa pang pampelikulang kwento ang ‘anak ka ng hostess’ na naglalarawan ng ating mga kababaihan na tinaguriang mga Hanggang Pier..

    Reply
  • 14. JoeSeg  |  October 13, 2008 at 12:52 am

    Aba, biglang nabago ang picture sa itaas. Kani-kanina lang, kalahating face ang nakikita na parang si Rosanna Roces, ngayon buong wankata na ang naka-display in a very enticing pose na pang Playboy. Hmmmm…

    Reply
  • 15. doc.bobonyo  |  October 13, 2008 at 1:02 am

    Congratulations uli Kim. Greetings sa lahat ng mga viewers mo. Magandang araw po sa inyong lahat. May the good Lord bless all of you.
    Nandito na nga lang kayo, may paanyaya kami ni tatang para sa isang Bible study sa aming bahay. Si Judas ang topic natin kasama na ang mga kaibigan nating mambabatas. Salamat po.

    Reply
  • 16. KapitanKidlat  |  October 13, 2008 at 1:15 am

    Maraming salamat po sa pagbati. Okay na kami ni Tisay at wala na akong tinatagong sikreto sa kanya. Pero next time susundin ko ang payo ng aking kumpareng Cocoy, dapat matuto akong magtago ng sikreto, hehehe.
    Salamat din sa payo mo Kimuchi. Lumuhod ako sa kanyang harapan sa loob ng banyo. Sa halip na patawarin, tinanggal niya ang kanyang panty, mabilis ang mga pangyayari, kumulog at kumidlat na naman sa tanghaling tapat, hehehe.

    Reply
  • 17. Secondlady  |  October 13, 2008 at 3:04 am

    Isang dating pokpok na aming natulungan na ang pumunta sa aming tanggapan. Dahil sa matinding krisis na dinaranas niya sa kanyang buhay ay nagtapat siya–May Aids ako ate. True confession based on the experiences of people with aids.

    Reply
  • 18. Cocoy's Delight  |  October 13, 2008 at 4:44 am

    Nagbuyangyang ka na Kimuchi.ayos na ayos ang iyung wankata.

    Reply
  • 19. Cocoy's Delight  |  October 13, 2008 at 4:47 am

    Wala na pala akong libreng massage.Pang 100 customer lang ang offer mo.Kay bilis naman at pinilahan ka.Pwedi ba ang rain check sa akin? Hehehe!

    Reply
  • 20. Kimuchi  |  October 13, 2008 at 3:37 pm

    Joeseg
    Salamat at ikinumpara mo ako kay Osang.Iba ang mundo niya sa mundo namin ng nanay ko.Pero ayaw kong maging overweight na katulad ni Osang.Naka ka turn-off sa mga macho.HIHIHIHIHIHI

    Reply
  • 21. Kimuchi  |  October 13, 2008 at 3:40 pm

    Secondlady.
    Mahirap ang magkasakit ng AIDS.Magtiyaga na lang ako sa daliri kesa madali pa ako ng addict na nagkakalat ng sakit na iyan kahit kasing guapo pa ni cocoy.Di bale ng pangit basta healthy at walang sakit.HIHIHIHIHIHIH.

    Reply
  • 22. Kimuchi  |  October 13, 2008 at 3:48 pm

    Salamat Doc. sa pagbisita.Tulad ng dati volunteer nurse mo pa rin ako sa medical mission mo na libreng tuli.HIHIHIHIHIHIH

    Reply
  • 23. Kimuchi  |  October 13, 2008 at 3:48 pm

    Kapitan
    Maligaya ako sa iyo at hindi ka kinapon ni Tisay.HIHIHIHIHIH

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Pages

October 2008
M T W T F S S
     
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Blog Stats

  • 5,405 hits

Recent Posts

Archives

Feeds

Top Talkers

  • None

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: